Recent update

Subscribe to RSS feed

Komikon 2006

October 25th, 2006 by kaviolahan

Komikon_2

Sinadya kong magpatanghali na sa pagdalo ng KOMIKON, pero nang dumating ako sa Bahay ng Alumni pasado alas onse, akalain mo, mala-box office hit na pelikula ang pila. Pero ayos lang, nakakatuwa, kase marami talaga ang mga maka-komiks.

Tulad noong nakaraang KOMIKON (KOMIKON 05), saradong isanlibo ang naibili ko ng mga komiks. Nakakatuwang nakakapaglabas ang bawat komikero ng mga panibagong issue ng kanilang mga gawa. Enjoy naman daw ako sa pagpapa-autograph at pagkuha ng mga retrato ng mga paborito’t bagong kakilalang komikero. May volume 2 na ang Kikomachine komiks ni Manix, wave 2 ng CARPOOL ni Syeri Baet, at bagong komiks ni Luci, na Luci at Eiya (or was it the other way ’round?). Bumili rin ako ng Elmer ni Gerry Alanguilan. At ang tampok, ay ang pagpapa-sign ko kay Carlo Vergara ng ZsaZsa. Bakit kaya naaalala ko sa kanya yung titser ko sa PanPil40 at si Boy Abunda (no offense intended). Ang nakakatuwa rin ngayon, may special issue ang Culture Crash b2b with Kuborikikiam, tinawag na Kubori Crash. Matagal ko na gustong sabihin ang napansin ko sa mga kikiam characters. Kamukha nila si Majinbu (Dragonball Z?) na slimmed version, maliban kay Manny kasi naaalala ko sa kanya ang mga Chansey, Clefairy, at Clefable ng Pokemon. Eto rin napansin ko, bakit kaya si DavidĀ  parang kamukha ni Champ? ROTFL (Peace!) Tapos nakita ko na rin si Taga-ilog na walang timba sa kanyang ulo. Bigla kong namiss ang C3CON, pero ayos lang dahil may Fresh na inilabas ang dating grupo.

Nagulat din ako dahil may binenta rin si JP Cuison (Kikomachine vox). Siyempre, bili naman ako. Pero mas nagulat ako, kase buena mano pa pala ako, kaya kelangan i-capture ang moment sa camera.

Wala ako sa mood makipagkwentuhan. Nung Sabado pa idinaos ng Komikon. Miyerkules na ngayon, sobrang panis na. Wala na ang excitement sa pagkukuwento. Kanina ko rin lang nadalaw ang blog ng creator ng Diliman comics. Nagulat naman daw ako at na-extra ako sa kanyang kwento.

From Tobie Abad’s blog

“…the quiet girl who gingerly approached the table, then liked the sample pages, then even asked for a picture after buying the cd!”

Hanggang alas otso ng gabi yung event pero umalis na ako ng alas sais. Bukod sa simot ang pera sa wallet ko, kelangan ko na lang talaga makauwi sa amin. Sayang. Ang ilap sa akin ng Kikomachine ngayong taon! Hindi ko na naman sila napanood magperform.

Posted in Bluebook | | |


Leave a reply


  • Pages

  •  

    October 2006
    M T W T F S S
    « Jul   Dec »
     1
    2345678
    9101112131415
    16171819202122
    23242526272829
    3031  
  • Recent Posts

  • Categories

  • Archives

  • Recent Comments

  •