Recent update

Subscribe to RSS feed

Ang Pinaka-”Etsa-Puwera”

October 26th, 2006 by kaviolahan

“Ang trahedya ng mga bunso, habang buhay silang bata sa paningin ng matatanda.”

bunso ka ba?

naramdaman mo na bang ma-etsa puwera sa usapan ng pamilya?

ano’ng pakiramdam?

parang sasabog sa galit?

o wala lang?

nagdamdam ka ba?

bakit hindi?

karapatan mong makialam, dahil bahagi ka ng pamilya.

kahit pa nga sabihin nila na bata ka lang, at hindi mo pa naiintindihan ang mga pangyayari.

karapatan mo pa ring mapakinggan din bilang kasapi ng pamilya.

kuntento ka na bang maging bunsong beybi-beybihan?

hindi. dahil kahit bunso, lumalaki rin at tumatanda, nagkakagulang o nagkaka-edad.

mauunawaan mo rin naman ang pinag-uusapan,

at hindi ka na lang basta bunsong binebeybi-beybi

ikaw ay isa nang bunsong may sinasabi

at may karapatang pakinggan

akala nila, dahil bunso ka lang

pag binuka mo ang bibig mo puro ingay lang ang lalabas

puro sounds lang

parang sa mga hayop

moo moo sa baka, ngiyaw ngiyaw sa pusa

aw aw sa aso, kokak kokak sa palaka

sa iyo, blahblahblahblah

pero siyempre hindi ka papayag na ganun na lang basta ang trato sa iyo bilang bunso,

sasabihin mo:

“bakit? pati rin naman mga trapo, nag-iingay rin lang a. diba matatanda na ang mga yon?”

oo tama, mga tumandang literal, pero hindi naman nagkaroon ng improvement sa pag-iisip. aray!

pero dahil ikaw ay bata pa rin talaga sa kasalukuyan,

magmumukha ka namang pilosopo

see?

wala ka talagang kawala.

trahedyang maituturing nga talaga itong pinagdaraanan ng mga bunso.

buti pa ang mga kababaihan, nagkaroon ng liberalisasyon

nagkaroon ng karatapang bumoto noon.

e ang mga bunso?

patuloy lang magiging bunsong beybi-beybihan.

ano kami, entertainer?

(e di sana walang mga trying hard at uber corny sa tv)

kami’y mga nilalang din namang may tungkuling gagampanan,

may papel sa lipunan

sa ngayon, kami ang mga pilosopo

gayung hindi naman talaga sang-ayon ang katawagang iyon sa amin

sa halip, kung talagang kami nga’y kinikilalang pilosopo ng mga nakatatanda

isang malaking karangalan iyon na aming tatanggapin

akalain mo, ang mga bunso pala’y mahuhusay na pantas

wahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!

patuloy man kaming usigin ng mga nakatatanda,

tuloy din kami sa panggagambala

patuloy kaming magsasalita

kahit hindi kami ang kinakausap

patuloy kaming magbibigay ng opinyon

at makikisali sa usapan ng pamilya

paulit-ulit naming gagawin iyon

uulit-ulitin namin ang pag-ba-blahblahblahblahblah

na parang moo moo ng baka,

ngiyaw ngiyaw ng pusa, aw aw ng aso,

at kokak kokak ng palaka

uulit-ulitin namin ang pagbigkas nito na parang mantra

hanggang sa magmukha kaming mga sirang plaka

hanggang sa magsawa ang tenga ng matatanda

at tanggapin din nila kami sa wakas

dahil sabi nga ni Frank McCourt (Teacher Man),

“It is the function of the young to get rid of their elders,  to make room on the planet.”

hindi titigil ang bunso hangga’t hindi niya nakakamit ang kanyang ipinaglalabang karapatan - ang karapatang pakinggan

ito ang rebolusyon ng mga makabagong kabataang bunso

sulong bunso!

pero bago ang lahat, drink muna your milk.

Posted in Bluebook | | | 1 Comments

Komikon 2006

October 25th, 2006 by kaviolahan

Komikon_2

Sinadya kong magpatanghali na sa pagdalo ng KOMIKON, pero nang dumating ako sa Bahay ng Alumni pasado alas onse, akalain mo, mala-box office hit na pelikula ang pila. Pero ayos lang, nakakatuwa, kase marami talaga ang mga maka-komiks.

Tulad noong nakaraang KOMIKON (KOMIKON 05), saradong isanlibo ang naibili ko ng mga komiks. Nakakatuwang nakakapaglabas ang bawat komikero ng mga panibagong issue ng kanilang mga gawa. Enjoy naman daw ako sa pagpapa-autograph at pagkuha ng mga retrato ng mga paborito’t bagong kakilalang komikero. May volume 2 na ang Kikomachine komiks ni Manix, wave 2 ng CARPOOL ni Syeri Baet, at bagong komiks ni Luci, na Luci at Eiya (or was it the other way ’round?). Bumili rin ako ng Elmer ni Gerry Alanguilan. At ang tampok, ay ang pagpapa-sign ko kay Carlo Vergara ng ZsaZsa. Bakit kaya naaalala ko sa kanya yung titser ko sa PanPil40 at si Boy Abunda (no offense intended). Ang nakakatuwa rin ngayon, may special issue ang Culture Crash b2b with Kuborikikiam, tinawag na Kubori Crash. Matagal ko na gustong sabihin ang napansin ko sa mga kikiam characters. Kamukha nila si Majinbu (Dragonball Z?) na slimmed version, maliban kay Manny kasi naaalala ko sa kanya ang mga Chansey, Clefairy, at Clefable ng Pokemon. Eto rin napansin ko, bakit kaya si David  parang kamukha ni Champ? ROTFL (Peace!) Tapos nakita ko na rin si Taga-ilog na walang timba sa kanyang ulo. Bigla kong namiss ang C3CON, pero ayos lang dahil may Fresh na inilabas ang dating grupo.

Nagulat din ako dahil may binenta rin si JP Cuison (Kikomachine vox). Siyempre, bili naman ako. Pero mas nagulat ako, kase buena mano pa pala ako, kaya kelangan i-capture ang moment sa camera.

Wala ako sa mood makipagkwentuhan. Nung Sabado pa idinaos ng Komikon. Miyerkules na ngayon, sobrang panis na. Wala na ang excitement sa pagkukuwento. Kanina ko rin lang nadalaw ang blog ng creator ng Diliman comics. Nagulat naman daw ako at na-extra ako sa kanyang kwento.

From Tobie Abad’s blog

“…the quiet girl who gingerly approached the table, then liked the sample pages, then even asked for a picture after buying the cd!”

Hanggang alas otso ng gabi yung event pero umalis na ako ng alas sais. Bukod sa simot ang pera sa wallet ko, kelangan ko na lang talaga makauwi sa amin. Sayang. Ang ilap sa akin ng Kikomachine ngayong taon! Hindi ko na naman sila napanood magperform.

Posted in Bluebook | | | 0 Comments

  • Pages

  •  

    October 2006
    M T W T F S S
    « Jul   Dec »
     1
    2345678
    9101112131415
    16171819202122
    23242526272829
    3031  
  • Recent Posts

  • Categories

  • Archives

  • Recent Comments

  •