Recent update
check mic test mic test check check
February 19th, 2009 by kaviolahan
Aw Aw!
It’s been eight months since I’ve passed the driver’s written exam and roughly three months since I got my license.
But only today did I manage to drive alone for the very first time.
And guess what.
What?
I didn’t crash.
Hurrah!
Anyway, I drove this morning to the recruiting agency for an interview, a preliminary interview.
And guess what?
What?
It’s also my very first job interview related to my degree.
Hurrah!
My appointment was at 10 AM. I woke up even before the alarm set to 7:30 blasted.
And guess what?
What?
I even managed to have breakfast which is an entirely new experience to me.
Hoo-hah!
Wait. Here’s another one.
Again, my appointment was at 10 AM. I woke up even before the alarm set to 7:30 blasted.
And guess what?
What?
I slept probably three in the morning.
Hoo-hah!
I was busy chatting with Penguin while simultaneously job hunting in Idealist, and occasionally reviewing my resume including my undergrad manuscript in case it’s brought up on the interview.
I talked to Penguin and she gave me a couple of suggestions plus sample interview questions. I fell asleep enumerating in my mind the scripted answers I’ve made up from our conversation.
And guess what?
What?
None of the questions I’ve had myself prepared for came up.
Boo!
Instead, I was merely asked to verify my educational background, elaborate on my undergrad thesis, and enumerate the major subjects I’ve taken related to research, including Chemistry courses. And that’s it.
Of course, the agency didn’t guarantee that I will get a job right away. Drop the phrase “right away” and the thought would still be the same.
I would have to wait. And wait. And wait. And wait. And wait.
Unless of course Destiny takes pity on me and sends a company who’s willing to hire an inexperienced college graduate who’s spent almost an entire year of her life deeply committed to shameless bumming. In short, a company who’s willing to take in a mediocre.
Now that’s too positive a thinking.
In any case, I am not, still not, bothered. Especially now that I had a lot of things in my mind. I’m talking about my commitment level to mission 101 (at least, to half of it), which is at its peak.
And guess what?
What?
I’ve recently signed myself up for an online volunteer work.
Ooooh!
By the way, the weather is wonderful today. Bright and sunny… so un-Washington. It would have been a perfect day if not for the fact that with all the windows open, chill seeps through my spine.
Yes, we got sunshine but still it is freaking damn cold.
Although I’d much rather prefer the weather here over that of the East Coast, especially that of DC, which is godawful it could drive me nuts.
Posted in Post-college | | | 0 Comments
A son does not choose his father.
January 15th, 2007 by kaviolahan
Well said, Murtagh!
Perfect.
Finally. I watched Eragon on the big screen. It felt like watching Harry Potter - Lord of the Rings - The Chronicles of Narnia: The Lion, The Witch and The Wardrobe — all in one.
Kaya lang masyadong nagmamadali ang Maynila. One minute, nandito pa lang sila. Maya-maya, nasa kabilang ibayo na. Nalingat lang ako sandali para magbanyo, pagbalik ko simula na ang aksyon. Ambilis ng mga pangyayari pwera lang dun sa battle scene.
Buti na lang talaga hindi ko pa tapos yung libro. Kundi, ma-ha-highblood na naman ako dahil hindi na naman papasa sa expectation ko, which is of course, the exact narrative.
Sa libro, paborito ko si Eragon. Sa pelikula, paborito ko na si Brom. Pero wala nang mas aastig pa kay mister Murtagh.
Bravo!
Bakit nga ba hindi makapili ng magulang ang mga anak? Mas malala pa siya kaysa sa kung bakit hindi makapili ng ninong at ninang ang mga inaanak. Kung nagkataon.. perfect!
Itutuloy ko ang kwento ni Norma. Isinilang siya sa akin noon. Nararapat lamang na siya’y buhayin ko. Panahon na para marinig ang kanyang tinig, lalo’t higit ang kanyang kwento. Dahil kung hindi ngayon, kelan?
Sikat na si Norma sa kanila noon pa man. Sino ba namang hindi makakikilala sa anak ng devil sa isang birhen.
“Dapat mahalin ang magulang. Kaya siguro mahirap magmahal ng magulang kasi ginawa itong dapat.” - Bunso, Eli Rueda Guieb III
Posted in Bluebook | | | 1 Comments
Libro Update
January 12th, 2007 by kaviolahan
Isinoli ko na kanina sa lib yung Relasyon. Last year ko pa yun sinimulan at tinapos. Nandoon uli ang “Kasal” at ang “Minerva”. Pang-apat na beses ko na yung “Kasal” doon. Nung una ko yung mabasa, umiyak ako. Nung ikalawa, lumuha. Nung ikatlo at ikaapat, may talab pa rin.
May hihiramin din dapat ako kanina kaso Room Use lang daw. Andun yung “31 Disyembre 1985″ ni Eli Rueda Guieb III. Binasa ko uli. Eto yung paborito kong maikling kwento sunod sa “Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes. Astig talaga ng laman nung storya! Galing ng mga usapan at batuhan ng puns. Sa loob ng 20 minuto, nakawala na naman ang kaluluwa ko. Refreshing!
Posted in Bluebook | | | 1 Comments
A Dear Teacher
December 31st, 2006 by kaviolahan
I got this post from my bulletin. It actually came from one of my teachers, and is concerning my teacher last semester in Philippine Institutions 100, better known as RIZAL. I’m still in shock, I can’t think of anything else to do but post it here. Today’s the 31st of December, three hours before the New Year.
Dear Friends,
We are writing you on behalf of Prof. Monico M. Atienza, who has been comatose since December 23, 2006. An undetected mass in his throat gradually blocked air passage, which finally led to successive heart seizures.
Monico is the president of the First Quarter Storm (FQS) Movement, an organization of activists in the 1960s and 1970s. In various ways, he has continuously helped and inspired activists of people’s organizations and institutions, especially the youth and students.
As a political prisoner during martial law, Monico was heavily tortured and held in solitary confinement. Government intelligence claimed that he was a ranking member of the Central Committee of the Communist Party of the Philippines and head of its National Organization Department when he was arrested in 1974. Released in 1977, he went back to the university.
As secretary-general of the militant Kabataang Makabayan (Patriotic Youth) in the late 1960s, he was among the indefatigable architects of the youth and student activism that eventually expanded to help establish today’s formidable progressive mass movement in the Philippines.
In 1987, he survived an assassination attempt by a death squad of the Philippine military which claimed the lives of two colleagues. Monico’s health, already deteriorated by the torture in 1974, all the more worsened with the injuries he sustained in the incident. A shrapnel remains imbedded in his head and a leg wound would not heal to this day.
Now confined at the Central Intensive Care Unit of the Philippine General Hospital, Monico is kept alive by a life support system. His condition remains critically stable.
Monico has no source of income other than his teaching at the university. The meager health benefits available to him are not enough to sustain the cost of hospitalization and probable therapy.
Let us all help a great comrade, mentor and friend.
Donations may be personally given to Bernardita “Didith” V. de Guzman of the First Quarter Storm Movement or deposited to:
Bank: Bank of the Philippine Islands
Address: Diliman Branch, Quezon City, Philippines
Account Name: Alberto S. Aguilar
Savings Account Number: 4259-0220-91
Swift Code: BOPIPHMMFor Task Force Monico M. Atienza,
(Sgd.) Bonifacio P. Ilagan
Chair, First Quarter Storm Movement
I would also like to post here what I’ve written for him as my final paper.
The very reason why my tummy is suddeny feeling funny… queesy?
Paglalagom
Huling Papel sa P.I. 100 (MHV2)
Setyembre 10, 2006Tapos na ang kurso ng P.I.100 subalit hindi rito nagwawakas ang pagkatuto na makiramdam sa lipunang ginagalawan. Hindi rin dito nagwawakas ang dakilang pagkilala sa pambansang bayani at kanyang mga naimbag sa kasaysayan ng bansa. Manapa’y ito pa lamang ang simula ng tunay na pagkagagap sa mga bagay na naitago o naisantabi o di kaya nama’y natabunan (o sadyang tinabunan) ng mga kaganapang maaaring nagpabansot sa kaisipan ng sambayanang Pilipino dala na rin marahil ng depektibong sistemang nag-ugat sa hindi pa matukoy na partikular na dahilan at patuloy pa ring umiiral magpaghanggang sa kasalukuyan.
Sadyang isang napakadakilang bagay ang kaliwanagang naidulot sa akin ng kursong ito. Tunay ngang hindi matatalos ng isang isip na hinubog ng mga maling haka-haka at mga kwentong barberong napulot lamang sa tabi-tabi ang katotohanan, maliban lang talaga sa loob ng silid-aralan kung saan ang guro’y malay sa kanyang papel bilang tagapaghubog ng kaisipan, tagapanday ng karunungan, at tagapag-akay sa “pag-asa ng bayan” sa kaliwanagan.
Lahat ng aking mga kinalakhang na alam tungkol sa kasaysayan, lipunan, at higit sa lahat sa pambansang bayani ng aking bansa ay naituwid at naitama sa katotohanan. Ngayon ko napagtanto na ang aking reasoning sa kung bakit ko inayawan si Rizal at ang kanyang mga nobela noon ay isang kabuktutan. Natuklasan kong ang tunay palang dahilan kung bakit inayawan ko siya (at ang kanyang mga nobela at kahit ang kanyang mga dakilang nagawa) noon ay hindi ko naman pala talaga siya nakilala sa simula pa lang, at inangkop ko rin lamang ang aking dahilan sa mga sabi-sabi ng iba na pawang mga negatibo.
Para mas maging malinaw, narito ang ilang konkretong (buktot) mga kinalakhan kong alam patungkol kay Rizal. Siya ay ilustrado, ibig sabihin, nakapag-aral, pero ang kaalamang natuklasan ay sinarili lamang dahil bilang mayaman, ang stereotipikal niyang imahe ay makasarili o gahaman, at sa kabuuan, siya ay masama. Hindi siya dapat kilalanin bilang pambansang bayani dahil bukod sa siya ay mayaman, hindi naman siya sumali sa rebolusyon. Si Andres Bonifacio, ang tunay na rebolusyonaryo, ang dapat na maging pambansang bayani ng Pilipinas. Babaero siya at hindi ito magandang halimbawa, kaya hindi siya karapat-dapat kilalanin. Siya ay Anti-christ at marami ang kanyang mga kultong nakabase sa Bundok Banahaw. At bilang huli, ang kanyang mga nobela ay romantikong kwento nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara (sa Noli), at kinopyang kwento lamang mula sa banyagang nobelang Count of Monte Cristo (sa Fili).
Ngayong natapos ko na ang kursong P.I.100, hindi ko malaman kung ako’y mapapahagalpak sa tawa o mamumula sa kahihiyan o lubos na maaawa sa aking sarili dahil sa mga napulot (at ginusto kong pulutin) kong mga kabuktutang nabanggit. Dito ko na siguro ikakabit ang natutunan ko mula sa pakikinig sa symposium na aking dinaluhan noong simula ng semestre – ang rebolusyon ng isip na isinulong noon ni Rizal. Kaya pala nagkakaroon ng mga mapanupil o depektibong sistema sa lipunan dahil mismong mga taong bumubuo sa lipunan ay hindi malay sa tunay na kahulugan ng mga bagay-bagay na pinili nilang maging bahagi ng kanilang buhay, lalo na sa mga bagay-bagay na sila mismo ang lumikha pero hindi nila nagawang kontrolin, sa halip, sila pa pala mismo tuloy ang kinokontrol. O kung malay man sila sa mga kaganapan, hindi naman sila malay sa kanilang karapatan at tungkuling gumawa ng nararapat na hakbangin para wakasan ang pagiging depektibo o mapanupil ng sistema. Sa kaso ko, hindi ko muna kinilala si Rizal sa pamamagitan ng pagsasaliksik (sistematikong paraan) dahil pinili kong maging tanga (biktima ng ignorance) sa paniniwala sa mga kwentong barbero tungkol kay Rizal. Mabuti na lamang at hindi pa huli ang lahat, at naituwid ang aking kaalaman. Pero hindi madaling baliin ang kinasanayang gawi’t pag-iisiping isang tao kaya nga ako ay nagulat kung papaano ko nabuksan ang aking isip sa pagpasok ng bagong mga ideya. Ibig lamang sabihin nito na naging epektibo ang pagtutuwid ng guro sa kabuktutan ng kanyang estudyante. Hindi rin naging sagabal ang kawalan ng boses ng guro at ang kaiklian ng attention span ng estudyante sa pakikinig sa loob ng klase upang ang tinig ng katotohanan ay maulinig ng buong klase. Kaya ngayon, masasabi kong kaya naman palang matuto ng isang estudyante kahit nakapikit ang mata at may busal ang kanyang bibig basta’t talos niya kung ano, bakit at para saan ang pinag-aaralan sa loob ng silid-aralan. Dapat may malinaw na unawaan sa pagitan ng guro at kanyang estudyante upang ang diwa ng edukasyon ay maging epetibo at magkaroon ng kaganapan.
Ibig kong sabihin ay kayang matuto ng estudyante sa pakikinig lamang at pag naunawaan niya ang kanyang pinakikinggan dahil alam ng guro ang kanyang tinuturo at naipaabot niya ito nang malinaw sa kanyang estudyante, hindi na mahihirapan ang estudyante sa pagbabasa, pagrerebyu, at pag-aaral sa kursong yaon. Hindi ko sinasabing sapat na ang makinig at hindi na kailangan pang magbasa at mag-aral, dahil makatutulong sa pagpapalawak pa lalo ng kaalaman ang dalawang huli. Bagamat sa kaso ko, hindi ko maitatanggi na ang nauna ang pinakanapakinabangan ko nang husto. Hindi ko kase nabasa nang buo ang dalawang nobela at ang iba pang mga sangguniang teksto pero pinunan naman ng aking pakikinig ang mga hindi naabot ng aking mata sa pagbabasa. At sa mga resulta naman ng mga naging mahaba at maikling pagsusulit, naging maayos naman ang aking iskor. Hindi naman kataasan ang mga grado pero ipinagmamayabang kong bunga ang mga iyon lahat ng mga natandaan ko lamang sa pakikinig sa loob ng silid-aralan at kakaunting mga binasa. Ang ibig kong sabihin, ang estudyante pag naunawaan ang kanyang pinag-aaralan, lalabas at lalabas ang appreciation niya sa kurso pagdating ng evaluation (e.g. pagsusulit), sa kabila ng mga kakulangan o limitasyon na maaari niyang kaharapin (e.g. hindi nakapagbasa nang husto).
Sa pagsasara ng unang semestre, gusto ko lang ihayag ang aking lubos na kasiyahan at pagtatangi sa kursong ito. Unang-una, hindi ko inakalang ang dating mga nobelang tinutulugan ko lamang sa mataas na paaralan ay mababasa ko, kahit pahapyaw. Ikalawa, ang dakilang bayani sa likod ng dalawang nobelang ito na ayaw kong kilalanin bilang pambansyang bayani, ay siya palang pakatitingalain ko ngayon dahil sa labis-labis na dakilang mga bagay na nagawa niya para sa bayan kung kaya’t siya’y marapat lang nga talagang barilin sa Bagumbayan. Ikatlo at panghuli, higit na masaya, kapaki-pakinabang, at kapupulutan ng maraming aral ang klase sa loob ng silid-aralan kaysa ang mag-field trip.
Posted in Bluebook | | | 1 Comments
Ang Pinaka-”Etsa-Puwera”
October 26th, 2006 by kaviolahan
“Ang trahedya ng mga bunso, habang buhay silang bata sa paningin ng matatanda.”
bunso ka ba?
naramdaman mo na bang ma-etsa puwera sa usapan ng pamilya?
ano’ng pakiramdam?
parang sasabog sa galit?
o wala lang?
nagdamdam ka ba?
bakit hindi?
karapatan mong makialam, dahil bahagi ka ng pamilya.
kahit pa nga sabihin nila na bata ka lang, at hindi mo pa naiintindihan ang mga pangyayari.
karapatan mo pa ring mapakinggan din bilang kasapi ng pamilya.
kuntento ka na bang maging bunsong beybi-beybihan?
hindi. dahil kahit bunso, lumalaki rin at tumatanda, nagkakagulang o nagkaka-edad.
mauunawaan mo rin naman ang pinag-uusapan,
at hindi ka na lang basta bunsong binebeybi-beybi
ikaw ay isa nang bunsong may sinasabi
at may karapatang pakinggan
akala nila, dahil bunso ka lang
pag binuka mo ang bibig mo puro ingay lang ang lalabas
puro sounds lang
parang sa mga hayop
moo moo sa baka, ngiyaw ngiyaw sa pusa
aw aw sa aso, kokak kokak sa palaka
sa iyo, blahblahblahblah
pero siyempre hindi ka papayag na ganun na lang basta ang trato sa iyo bilang bunso,
sasabihin mo:
“bakit? pati rin naman mga trapo, nag-iingay rin lang a. diba matatanda na ang mga yon?”
oo tama, mga tumandang literal, pero hindi naman nagkaroon ng improvement sa pag-iisip. aray!
pero dahil ikaw ay bata pa rin talaga sa kasalukuyan,
magmumukha ka namang pilosopo
see?
wala ka talagang kawala.
trahedyang maituturing nga talaga itong pinagdaraanan ng mga bunso.
buti pa ang mga kababaihan, nagkaroon ng liberalisasyon
nagkaroon ng karatapang bumoto noon.
e ang mga bunso?
patuloy lang magiging bunsong beybi-beybihan.
ano kami, entertainer?
(e di sana walang mga trying hard at uber corny sa tv)
kami’y mga nilalang din namang may tungkuling gagampanan,
may papel sa lipunan
sa ngayon, kami ang mga pilosopo
gayung hindi naman talaga sang-ayon ang katawagang iyon sa amin
sa halip, kung talagang kami nga’y kinikilalang pilosopo ng mga nakatatanda
isang malaking karangalan iyon na aming tatanggapin
akalain mo, ang mga bunso pala’y mahuhusay na pantas
wahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!
patuloy man kaming usigin ng mga nakatatanda,
tuloy din kami sa panggagambala
patuloy kaming magsasalita
kahit hindi kami ang kinakausap
patuloy kaming magbibigay ng opinyon
at makikisali sa usapan ng pamilya
paulit-ulit naming gagawin iyon
uulit-ulitin namin ang pag-ba-blahblahblahblahblah
na parang moo moo ng baka,
ngiyaw ngiyaw ng pusa, aw aw ng aso,
at kokak kokak ng palaka
uulit-ulitin namin ang pagbigkas nito na parang mantra
hanggang sa magmukha kaming mga sirang plaka
hanggang sa magsawa ang tenga ng matatanda
at tanggapin din nila kami sa wakas
dahil sabi nga ni Frank McCourt (Teacher Man),
“It is the function of the young to get rid of their elders, to make room on the planet.”
hindi titigil ang bunso hangga’t hindi niya nakakamit ang kanyang ipinaglalabang karapatan - ang karapatang pakinggan
ito ang rebolusyon ng mga makabagong kabataang bunso
sulong bunso!
pero bago ang lahat, drink muna your milk.
Posted in Bluebook | | | 1 Comments
Komikon 2006
October 25th, 2006 by kaviolahan

Sinadya kong magpatanghali na sa pagdalo ng KOMIKON, pero nang dumating ako sa Bahay ng Alumni pasado alas onse, akalain mo, mala-box office hit na pelikula ang pila. Pero ayos lang, nakakatuwa, kase marami talaga ang mga maka-komiks.
Tulad noong nakaraang KOMIKON (KOMIKON 05), saradong isanlibo ang naibili ko ng mga komiks. Nakakatuwang nakakapaglabas ang bawat komikero ng mga panibagong issue ng kanilang mga gawa. Enjoy naman daw ako sa pagpapa-autograph at pagkuha ng mga retrato ng mga paborito’t bagong kakilalang komikero. May volume 2 na ang Kikomachine komiks ni Manix, wave 2 ng CARPOOL ni Syeri Baet, at bagong komiks ni Luci, na Luci at Eiya (or was it the other way ’round?). Bumili rin ako ng Elmer ni Gerry Alanguilan. At ang tampok, ay ang pagpapa-sign ko kay Carlo Vergara ng ZsaZsa. Bakit kaya naaalala ko sa kanya yung titser ko sa PanPil40 at si Boy Abunda (no offense intended). Ang nakakatuwa rin ngayon, may special issue ang Culture Crash b2b with Kuborikikiam, tinawag na Kubori Crash. Matagal ko na gustong sabihin ang napansin ko sa mga kikiam characters. Kamukha nila si Majinbu (Dragonball Z?) na slimmed version, maliban kay Manny kasi naaalala ko sa kanya ang mga Chansey, Clefairy, at Clefable ng Pokemon. Eto rin napansin ko, bakit kaya si David parang kamukha ni Champ? ROTFL (Peace!) Tapos nakita ko na rin si Taga-ilog na walang timba sa kanyang ulo. Bigla kong namiss ang C3CON, pero ayos lang dahil may Fresh na inilabas ang dating grupo.
Nagulat din ako dahil may binenta rin si JP Cuison (Kikomachine vox). Siyempre, bili naman ako. Pero mas nagulat ako, kase buena mano pa pala ako, kaya kelangan i-capture ang moment sa camera.
Wala ako sa mood makipagkwentuhan. Nung Sabado pa idinaos ng Komikon. Miyerkules na ngayon, sobrang panis na. Wala na ang excitement sa pagkukuwento. Kanina ko rin lang nadalaw ang blog ng creator ng Diliman comics. Nagulat naman daw ako at na-extra ako sa kanyang kwento.
From Tobie Abad’s blog
“…the quiet girl who gingerly approached the table, then liked the sample pages, then even asked for a picture after buying the cd!”
Hanggang alas otso ng gabi yung event pero umalis na ako ng alas sais. Bukod sa simot ang pera sa wallet ko, kelangan ko na lang talaga makauwi sa amin. Sayang. Ang ilap sa akin ng Kikomachine ngayong taon! Hindi ko na naman sila napanood magperform.
Posted in Bluebook | | | 0 Comments
I Want To Care
July 18th, 2006 by kaviolahan
namamaga pa ang daliri ko
minartilyo ang kaliwang hinlalaki ko
may hiwa ang kanang braso ko
halos panawan ako ng hininga kanina
kasi’y may takip pa ang bibig ko
amoy F ang katawan ko
tigmak sa dumi ang puting pinasuot sa akin
paano ako
kanino ako magsusumbong
linsyak na hayop yon!
sabi nila tatlo lang ang pwedeng patunguhan ng aking kurso
kung hindi sa ospital, sa iskwelahan, o sa laboratoryo
pero matagal-tagal ko na rin naman pinagmumuni-munihan yung pang-apat
at kanina nga natukoy ko rin sa wakas
kung hindi pala ako mapapadpad sa ospital, sa iskwelahan, o sa laboratoryo
naghihintay pa rin naman pala ang timbangan sa palengke
pero hindi ako pwede doon
kase nga’y kanina nakipagbabuyan ako sa hayop na iyon!
hiniwa nya ang kanang braso ko
nang madale ko ang kanyang tagiliran
hayop talaga!
nang nakasakay ako sa jeep
nakita ko yung dalawang armado naglakakad sa sidewalk
tama nga yung babae kahapon
may Marines sa aming iskwelahan
umalingasaw ang amoy ng paninikil
ay ewan ko ba
turn off ako pag nakakakita ng unipormado
dati sa SLEX, may umakyat sa bus
pusturang-pustura
nang mapatingin naman ako sa paanan
yung kaliwang combat mali ang pagkakasintas
bahagi yon ng disiplina
big deal yun nung hayskul
kaya bakit ko siya igagalang kung ganon?
mula nang mabasa ko ang Sleepers
nawalan na ako ng paggalang sa mga unipormado
ginatungan pa ng Tutubi, Tutubi…
tapos ngayon sa Armando
ayoko sanang i-generalize
pero ganoon madalas ang scenario
paano kong igagalang sila?
katakutan pa kaya?
dahil ba may armas sila
hindi ko nga ma-imagine kung alam nga nila sa sarili nila ang totoong tungkulin nila
bilang armadong sangay ng lipunan
alam kaya nila kung ano ang pinapanigan nila?
o isa na namang kaso pa rin ito nang hindi mawaglit-waglit na alienasyon?
ewan ko sa kanila,
pero I WANT TO CARE
gusto kong makialam kase reputasyon din naman ng kanilang uri ang nabababoy
hindi malayong umabot sa puntong isa na lamang kasaysayan ang
tawag na Alagad ng Batas
kunsabagay, sabi nga ni Mari sa Veronika Decides To Die, mali ang Batas
e di tama lang ba na kumag din ang maging Algad ng Mali?
magtataas ang tuition
dahil ginigipit ng budget cut
ang sabi ng isa, “SISIHIN ANG PAMAHALAAN! INUUNA PA ANG PAKIKIISA SA LABAN KONTRA-TERORISMO SAMANTALANG PANGUNAHING PROBLEMA NG BANSA HINDI MARESO-RESOLBA!”
ang sabi naman ng kabila, “WAG NATIN IBUNTON SA PAMAHALAAN ANG LAHAT NG MALI! TULUNGAN NA LANG NATIN SILA TUTAL KAYA NAMAN NATIN MAGBAYAD NG DAGDAG NA TUITION!”
pero ang nakakatawa’t nakakaTANGA
yung sa redundancy sa fees ng ibang iskwelahan -
may tuition fee na, may matriculation fee pa!
may sports fee na, may UAAP fee pa!
may internet fee na, may email fee pa!
may miscellaneous fee na, may Others pa!
wala bang nakakapansin sa estudyante ng mga iskwelahang ito?
gaguhan na pala ang sistema
paano kung gayon magkakaroon ng KARUNUNGAN kung mismong sa mga simpleng bagay, tahasang BINOBOBO ang mga estudyante nito
ah ewan
pero I WANT TO CARE
Posted in Bluebook | | | 0 Comments
Entry ng Naiinggit
May 10th, 2006 by kaviolahan
BEGIN: 5:51 PM
anong ginagawa ko dito?
down ang forum ng bobo. page cannot be displayed sa blogdrive, easyjournal at blogger. AT ayoko sa myspace.
bumalik ako sa book brigade. pero madali rin akong nagsawa.
pati ba naman sa site ni ned, page cannot be displayed?
marami na ang nahuhumaling sa blog.
ano bang meron sa blog?
ano NA bang meron sa blog?
aba! pwede na pala ang lyrics ng mga kanta na pampost!
o yung mga survey na pinopost sa bulletin!
tsaka mga paboritong tula!
at pwedeng-pwede na rin pala kahit blog entry ng iba!
tsaka ang layout at designs ng template, iba-iba na.
makukulay ang background - may magenta, may tangerine, may golden yellow, may superduperblack sa itim at may madugo rin as in deepred.
nakakalula, may mga gumagalaw na letra, may nagbiblink, may bumabali-baliktad, may umiikot-ikot, may nawawala.
hayop sa creativity at overexpression of artistic side, yan ang ating blogger ngayon!
Posted in Bluebook | | | 0 Comments
Pages
Blogroll
| M | T | W | T | F | S | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| « Feb | ||||||
| 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | |
| 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |
| 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 |
| 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 |
| 28 | 29 | 30 | ||||
